Krystel ipinagtanggol si Joshua: We matter, too
Nakiisa na rin ang aktres na si Krystel Go sa napakaraming celebrities na nagpahayag ng suporta sa panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino matapos itong gawing katatawanan ng ng mga host ng isang video podcast.
Sa kanyang social media post, ipinahayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa kahalagahan ng respeto at tamang pagtrato sa mga Persons with Disabilities (PWDs).
Si Krystel ay isa ring PWD, tulad ni Josh, because she was diagnosed with Down Syndrome at may karapatan siyang magbigay ng pahayag tungkol sa usaping ito.
Siya rin ang bida sa pelikulang “I’mPerfect” at gumawa ng history as the first person with Down syndrome to win Best Actress at the Metro Manila Film Festival 2025.
Sa FB post ni Krystel, sinabi niyang hindi dapat ginagamit ang kondisyon ng isang tao para lamang makakuha ng views, engagement, o entertainment.
“I STAND FOR RESPECT. I STAND FOR INCLUSION,” ang matapang na pahayag ni Krystel sa kanyang Facebook post.
Bilang isang taong may Down syndrome, personal niyang binigyang-diin na ang bawat isa ay nararapat tratuhin nang may kindness, understanding at dignity.
Aniya, ang mga PWD ay may damdamin, pangarap at talento rin na dapat kilalanin at pahalagahan.
“Hindi po dapat gawing joke ang disability ng isang tao. We have feelings, dreams, and talents, too. We deserve to be treated with dignity, not used for entertainment or content,” aniya.
Nagpasalamat din si Krystel sa Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI) sa patuloy na pagsuporta sa kanilang komunidad at sa pagpapaalala na walang sinuman ang dapat maliitin o kutyain dahil sa kanilang kondisyon.
Sa kanyang mensahe, malinaw niyang ipinahayag na hindi awa ang hinihingi ng mga PWD, kundi respeto at pantay na pagtingin. Hindi dapat maging hadlang ang disability upang hindi mapakinggan, mapahalagahan, o matanggap ang isang tao sa lipunan.
“Hindi po kami humihingi ng awa. We are asking for RESPECT. PWD man po kami, we have dignity, we have a voice, and we matter, too!” mariing pahayag ni Krystel.
Pestibal ng teatro
Isang bagong kabanata sa Philippine theater ang magsisimula sa paglulunsad ng Puregold Teatro Panalo, isang makasaysayang festival na naglalayong bigyang-buhay ang talento, creativity at makukulay na kuwento ng Filipino playwrights mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Matapos ang ilang buwang paghihintay at pananabik, opisyal nang inanunsyo ang 12 finalists na napili mula sa kabuuang 373 submissions nationwide.
Ang mga napiling obra ay binubuo ng walong straight plays at apat na musicals na inaasahang magdadala ng sariwa, makabuluhan, at makabagong mga kuwento sa entablado.
Ginanap ang espesyal na announcement event noong October 14 sa Cinema 16 ng Gateway Mall, kung saan personal na ipinakilala ang mga playwright na magiging bahagi ng kauna-unahang batch ng Puregold Teatro Panalo.
Bilang pagkilala sa kanilang talento at malikhaing kontribusyon, bawat napiling playwright ay tumanggap ng ₱100,000 talent fee.
Ayon kay Ivy Hayagan-Piedad, festival chair ng Puregold Teatro Panalo, naging malaking hamon ang pagpili sa 12 finalists dahil sa dami ng mahuhusay na kuwentong isinumite ng mga Filipino theater artist.
Ibinahagi niya na nakapagbibigay-inspirasyon ang masiglang partisipasyon ng mga storyteller mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ipinakita rin nito ang lawak ng talento at potensyal ng Philippine theater, gayundin ang kahalagahan ng pagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga lokal na kuwento na maiparating sa mas malawak na audience.
Sa pamamagitan ng Puregold Teatro Panalo, layunin ng festival na mabigyan ng karampatang entablado ang mga bagong ideya at malikhaing pananaw ng mga playwright.
Higit pa sa isang festival, nagsisilbi rin itong hakbang upang suportahan ang paglago ng teatro sa Pilipinas at palakasin ang koneksyon ng mga artista at manonood sa pamamagitan ng live performances.
Sa pagpili sa mga dulang ito, binibigyang-diin ng Puregold Teatro Panalo ang kahalagahan ng storytelling bilang bahagi ng kulturang Pilipino.
Bawat obra ay kumakatawan sa iba’t ibang creative voices, perspectives at karanasang maaaring makaugnayan ng mga manonood.
The post Krystel ipinagtanggol si Joshua: We matter, too appeared first on Journal News Online .
The full article is being collected. Available text is shown for now.