San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan
Pinalalakas ng San Andres Municipal Police Station (MPS) ang kampanya nito laban sa Nihilistic Violent Extremism (NVE) upang maiwasan ang paglaganap ng marahas na ideolohiya at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad.
Sa pahayag ng San Andres MPS sa pangunguna ni PMAJ Nanette Pablico, acting chief of police, layunin ng kampanya na ipaliwanag sa publiko ang mga panganib ng NVE, kabilang ang mga ideolohiyang naghihikayat ng karahasan, pagkawasak at pagtanggi sa mga pagpapahalaga ng lipunan.
Kabilang sa mga binigyang-diin ng pulisya ang paglaganap ng mapanirang ideolohiya at mapoot na pananalita sa internet, gayundin ang impluwensiya ng mga indibidwal o grupong naghihikayat ng mararahas na gawain.
Hinimok din ng San Andres MPS ang publiko, partikular ang mga kabataan, na maging responsable sa paggamit ng social media, beripikahin ang impormasyon bago ibahagi at makipagpalitan ng pananaw sa maayos na paraan.
Pinayuhan din ang publiko na humingi ng gabay sa mga magulang, guro at lider ng komunidad, at iulat sa kinauukulan ang mga kahina-hinalang aktibidad o online content na nagtataguyod ng karahasan.
“Awareness and community cooperation are essential in preventing the spread of violent ideologies. We encourage everyone, especially our youth, to choose peace, uphold respect for others, and use social media responsibly,” ani Pablico.
Ayon sa San Andres MPS, patuloy nitong isusulong ang pakikipagtulungan sa komunidad at pagpapalaganap ng impormasyon upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kaayusan sa bayan.
The post San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan appeared first on Romblon News Network .
The full article is being collected. Available text is shown for now.