Back

Beermen, umarangkada kontra Dyip sa PBA Governors’ Cup

Pinangunahan nina George King at June Mar Fajardo ang San Miguel Beermen sa dominanteng panalo kontra Terrafirma Dyip, habang target ng koponan na maibalik ang kanilang momentum bago ang quarterfinals.

Sa score na 135-105, nagpasiklab si George King sa San Miguel Beer matapos magtala ng 44 points, habang nagdagdag si June Mar Fajardo ng 25 points at 12 rebounds sa panalo laban sa Terrafirma.

Naging mahalaga ang panalo para sa Beermen matapos silang matalo sa TNT sa kanilang nakaraang laro. Sa ikalawang puwesto ng Group A, hawak na ng San Miguel ang eight-win, three-loss record.

5 points na lamang ang kailangan ni Fajardo para maabot ang 10 libong career points sa PBA. Gayunman, pinili niyang bigyan ng playing time ang kaniyang teammates na hindi gaanong nakakalaro sa halip na habulin ang milestone sa fourth quarter.

Nanaig naman ang NLEX Road Warriors kontra Titan Ultra, 147-115, sa pangunguna nina Deonte Burton na may 21 points, siyam na rebounds at pitong assists, at Robert Bolick na nagtala ng 20 points, limang rebounds at walong assists.

Dahil sa panalo, umangat sa nine-win, two-loss record ang NLEX at nanatili sa pangunguna ng Group A. Bumagsak naman sa two-win, nine-loss record ang Titan Ultra.

Follow SMNI NEWS in Twitter

The post Beermen, umarangkada kontra Dyip sa PBA Governors’ Cup appeared first on SMNI NEWS CHANNEL .

The full article is being collected. Available text is shown for now.

Back
Share this story

Get the daily newsletter →

Ask globalread.info

AI news & website helper
What would you like to explore?

I can find stories, explain headlines, or help you use globalread.info.

AI can make mistakes. Check the linked sources. Questions are sent to OpenAI.