Rice shipment mula Vietnam, pinakakansela ng Department of Agriculture

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francis Tiu Laurel Jr. na siya ang nag-utos na kanselahin ang import permit ng rice shipment ng MV Tay Son matapos makatanggap ng negatibong impormasyon.
Ayon sa DA, hiniling din ng importer na Planters Product Inc. ang pagkansela ng permit dahil hindi tugma ang uri ng bigas sa kontrata at expired na rin umano ito.
Dumating ang barko sa Davao noong Setyembre 14 nang walang valid import clearance, at tumanggi umano ang kapitan sa inspeksiyon na gagawin ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Naharang ng Philippine Navy ang barko sa karagatan ng Sarangani at dinala sa General Santos City.
Inirekomenda ng DA na ibalik sa Vietnam ang kargamento, pero maaari rin itong kumpiskahin at patawan ng parusa depende sa resulta ng imbestigasyon.
Follow SMNI NEWS in Twitter
The post Rice shipment mula Vietnam, pinakakansela ng Department of Agriculture appeared first on SMNI NEWS CHANNEL .